Lalaki arestado sa umano'y pagpapanggap bilang NBI agent, pangingikil | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki arestado sa umano'y pagpapanggap bilang NBI agent, pangingikil

ABS-CBN News
Published Aug 11, 2021 02:29 PM PHT

Arestado ang isang lalaking nagpanggap na agent ng National Bureau of Investigation (NBI) para makapangikil, sabi ngayong Miyerkoles ng mga awtoridad.

Nagkasa ng entrapment operation sa Quezon City ang NBI Special Action Unit laban sa suspek na si Charleston Cañales matapos itong ireklamo ng biktimang si alyas "Jericho."

Nabiktima ng scam si "Jericho" kaya gusto niyang magreklamo sa NBI at nakilala si Cañales, na nagkunwaring isang NBI agent.

Matapos umanong marinig ang reklamo ni "Jericho," humingi ang suspek ng P200,000 bilang "mobilization fee" para maimbestigahan at i-entrap ang nanloko sa biktima.

ADVERTISEMENT
Nabuking ang modus ni Cañales matapos dumeretso sa tanggapan ng NBI si "Jericho."

Kinulong si Cañales sa kasong usurpation of authority, robbery extortion, at violation ng Anti-Red Tape Law.

— Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
National Bureau of Investigation
krimen
arrest
fake NBI agent
extortion
Quezon City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT