Bahagi ng Meralco Ave. sinara na para sa Metro Manila subway project | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bahagi ng Meralco Ave. sinara na para sa Metro Manila subway project

ABS-CBN News
Published Oct 04, 2022 08:20 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Anim na taong magtitiis ang mga PUV driver at pasahero sa abalang idudulot ng pagsasara ng bahagi ng Meralco Ave. na magbibigay-daan sa paggawa ng Metro Manila Subway Project sa Ortigas-Shaw Boulevard.

Mas mahaba na ang ruta na tatahakin ng mga pampasaherong jeep at UV Express dahil bawal nang daanan ang kalsada mula Capital Commons papuntang Shaw Blvd.

Nadagdagan pa umano ng 30 minuto ang kanilang mga biyahe.

Ang mga pasahero naman na dumadaan sa apektadong bahagi ng abenida, kaniya-kaniyang diskarte para makapasok lang sa trabaho.

ADVERTISEMENT
"May oras po kasi ang pasahero namin. Pagka po naiba 'yung takbo namin pabalik, lugi na po kami nun kasi 'yung diesel mahal nga po eh," ani Jordan Diaz, isang jeepney driver.

"Sariling adjust na lang po siguro gising ng maaga and then travel ng mas maaga para makarating din on time," ani Fernand John Feliz, isang pasahero.

Alas-11 ng gabi nitong Lunes isinara ang bahagi ng Meralco Ave. at pinostehan ng mga traffic enforcer 24/7 para walang makapasok.

Nakaantabay na rin ang mga tauhan ng Pasig traffic and parking management office para sa inaasahang traffic ngayong morning rush hour.—Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News