Ilegal na POGO, kinasuhan ng human trafficking | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilegal na POGO, kinasuhan ng human trafficking

Ilegal na POGO, kinasuhan ng human trafficking

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 19, 2022 09:57 AM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Kinasuhan na ng human trafficking ang mga may-ari at opisyal ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na sangkot umano sa kidnapping ng mga empleyadong Chinese sa bansa.

Matatandaang nitong nakaraang Linggo ay nasa 43 Chinese na empleyado ng POGO ang nasagip ng Philippine National Police (PNP) sa Angeles City, Pampanga.

Kuwento ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa TeleRadyo, may halos 200 pang umano’y empleyado ng POGO na nasagip sa kanilang tinitirahan malapit sa kanilang pinagtatrabahuan.

“Maliban doon sa (43) na na-rescue pa, ay meron pa silang nakuha na additional 190 doon sa lugar kung saan tumutuloy yung mga empleyado pa nitong POGO operators na ilegal na nag-ooperate dyan sa Angeles City,” aniya.

ADVERTISEMENT

“Nahuli natin at nakasuhan yung tumatayong HR (human resources) officer nitong illegal POGO operators at sinampahan na siya ng kaso nung September 15, at yung ibang mga may-ari at mga iba pang mga opisyales nitong POGO operators na nabanggit, particularly itong Lucky South 99 Outsourcing Incorporated na lumalabas na illegal pala na POGO ay kinasuhan na rin ng human trafficking.”

Ayon sa opisyal, nakatuon na ngayon ang PNP sa imbestigasyon ng mga illegal na POGO.

“Sa pangunguna po ng ating (Secretary of the Interior and Local Government), binigyan na po niya ng instruction ang ating chief PNP para makipagugnayan po sa mga appropriate government agencies para nga maiwasan nga po itong mga POGO-related abduction,” aniya.

Samantala, nanawagan naman si Senador Koko Pimentel sa kanyang mga kapwa na mamabatas na gawing prayoridad ang paglikha ng mga batas na ipagbabawal ang mga POGO.

"Given what we’re seeing now as numerous ill effects of POGOs, the Congress has the moral duty to ban POGOs. We should act now. It will be a bipartisan measure,” aniya.

Kasunod ito ng pahayag ni Senadora Imee Marcos na balak ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ipagbawal ang mga POGO.

“Kung sa China, where most of these people come from, bawal ang POGOs, why did we open our doors to POGOs?” dagdag pa ng Senate minority leader.

--TeleRadyo, 19 Setyembre 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.