PAGASA: Mga pag-ulan asahan pa rin dahil sa habagat, localized thunderstorms | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PAGASA: Mga pag-ulan asahan pa rin dahil sa habagat, localized thunderstorms

ABS-CBN News
Published Sep 06, 2022 10:57 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Nakaranas ng matinding pag-ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig-lugar nito, Martes ng hapon, na nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Dan Villamil, "intense torrential" na pag-ulan ang naranasan sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, at Zambales.

Aniya, dala ito ng localized thunderstorms.

Samantala, southwest monsoon o hanging habagat ang umiiral sa kanlurang bahagi ng gitna at timog Luzon, sabi ni Villamil.

Kaya simula ngayong gabi o bukas ng madaling-araw (Miyerkoles), asahang magpapatuloy ang mga kaulapan na may mga pag-ulan sa bahagi ng Zambales, Bataan, Mimaropa, Western Visayas at Zamboanga Peninsula, aniya.

Ang pag-ulan sa Metro Manila ay nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa Quezon City, sabi ni Bobot Balbaboco, officier-in-charge ng MMDA Flood Control Information Center.

Para sa iba pang ulat panahon, bisitahin ang ABS-CBN weather center.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT