LTFRB pinag-aaralan ang hiling na dagdag-pasahe sa jeep | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
LTFRB pinag-aaralan ang hiling na dagdag-pasahe sa jeep

ABS-CBN News
Published Sep 06, 2022 10:40 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Pinag-aaralan pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyong dagdag-pasahe ng mga jeepney driver at operator sa bansa, ayon sa isang opisyal nito.

“Ito hong fare adjustment na hinihingi ng ating mga operators ay pinag-aaralan nang mahusay ng ating ahensya upang maka-arrive sa isang magandang desisyon kasi kita ho natin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis,” ani LTFRB Board Member Atty. Mercy Jane Paras-Leynes.

“Pero may tinitingnan tayong ibang factors tulad ng magiging epekto nitong pagtaas sa ating mga mananakay at doon sa overall na inflation,” sabi niya sa panayam ng TeleRadyo.

Nasa P11 ang minimum na pamasahe ng mga tradisyunal na jeepney.

ADVERTISEMENT
Ani Leynes, nakuha na ng LTFRB ang position paper ng National Economic and Development Authority tungkol hirit na fare hike ng mga jeep, pero hinihintay pa rin nila ang pag-aaral tungkol sa panukalang dagdag-pasehe rin ng mga bus, taxi at UV Express.

“Ito hong mga fare hike adjustment na hinihingi ng ating mga petitioners o mga operators, lahat ito submitted na for resolution. Nasa proseso kami ngayon ng board ng pag-e-evaluate kung ano yung talagang pwede nating i-grant na sa mga operator na hindi naman makakasakit nang mabigat para sa ating mga mananakay,” aniya.

— TeleRadyo, 6 Setyembre 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT