Multa sa bike lane violations sa Valenzuela ibinaba | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Multa sa bike lane violations sa Valenzuela ibinaba

Multa sa bike lane violations sa Valenzuela ibinaba

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Binabaan ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang multa sa mga lalabag sa bike lane ordinance ng lungsod.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, nasa P500 hanggang P1,500 na lang ang multa mula sa P2,000 hanggang P3,000 noon.

"Nung nakita natin na maraming humingi ng amnesty, maraming nag-complain... minarapat ng Sanggunian na ibaba natin ang bike lane violation," aniya sa panayam sa TeleRadyo Biyernes.

Ipinatupad ang bike lane ordinance sa MacArthur Highway noong Enero bilang bahagi sa no contact apprehension policy ng lungsod.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Gatchalian, nagsimula ang NCAP sa lungsod noon pang 2019.

Sa kasalukuyan, nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng higit 200,000 kaso ng traffic violation.

Nangunguna ang paglabag sa bike lane ordinance at sinundan ng mga nahuhuli na nag-beating the red light.

Dagdag ng alkalde, marami ang nagalit sa NCAP at kabilang pa umano sila sa mga LGU na kinasuhan ng transport groups ukol sa programa.

"At the end of the day, it's the culture that we are changing here. It doesn't matter naman kung ano ang halaga ng penalty para sa'kin," aniya.

"Five hundred, P3,000, gawin mo pang P5,000 'yan. Ang importante po dapat nasa mindset ng tao na gawin mo ang tama at sumunod ka sa patakaran para hindi ka makakuha ng penalty."

Kamakailan, tinutulan ng isang commuter group ang kasalukuyang implementasyon ng NCAP sa ilang lugar sa Metro Manila.

Para kay Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, dapat suspendihin at ayusin muna ang programa.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.