'Balitang K CA Throwback': Kauna-unahang episode ng Balitang K | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Balitang K CA Throwback': Kauna-unahang episode ng Balitang K

Sherwin Tinampay,
ABS-CBN News
Published Aug 04, 2023 10:30 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa kauna-unahang episode ng 'Balitang K,' tinalakay ang buhay ng personalidad na naging matunog ang pangalan noong dekada 90, si Leo Echegaray.

Hinatulan ng parusang kamatayan si Echegaray noong 1994 matapos halayin umano niya ang 10 taong gulang na batang anak ng kaniyang kinakasama.

Kinumpirma ng Korte Suprema noong Hunyo 25, 1996 na siya ang kauna-unahang death convict nang ibalik ang death penalty sa bansa noong 1993 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Fidel V. Ramos.

Ibinalik ang parusang kamatayan dahil sa sunod-sunod na karahasan sa bansa noong panahong iyon.

ADVERTISEMENT
Sa naging panayam ng ABS-CBN News kay Echegaray noong 1996, mariin niyang itinatanggi ang krimen.

"Malayong malayo talaga eh, kasi ano ho 'yun eh, makikita naman po sa medico legal ng Camp Crame ho eh na walang rape na nangyari," ani Echegaray.

Nanindigan naman ang hukom na nagpataw ng death sentence kay Echegaray na ginawa niya mismo ang krimen.

"Walang kaduda-duda, hanggang sa kahuli-hulihang sandali hindi nagbago ng paninindigan 'yung bata," pagdidiin ni Judge Maximiano Asuncion.

Tatlong taon makalipas o noong Pebrero 5, 1999 ay ipinataw ang parusang kamatayan sa kaniya sa pamamagitan ng lethal injection.

Panoorin ang kabuuan ng ulat sa kaso ni Leo Echegaray, maging ang iba pang mga ulat gaya ng concert ni Michael Jackson sa Pilipinas, basketbolistang si Botchok de los Santos na nagkaroon ng sakit na leprosy, at ang problemang kinaharap ng artistang si Amanda Page sa programang 'Balitang K' na unang ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 noong Hulyo 8, 1996.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
Current Affairs
CA Throwback
Current Affairs Throwback
Michael Jackson
Bro. Mike Velarde
El Shaddai
Leo Echegaray
Death Penalty
Korina Sanchez
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT