3 kaanak ni Leo Echegaray, timbog sa QC buy-bust | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 kaanak ni Leo Echegaray, timbog sa QC buy-bust

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Jan 11, 2019 04:43 AM PHT
|
Updated Jan 11, 2019 06:34 AM PHT

MAYNILA - (UPDATED) Arestado ang 10 katao sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City nitong magdamag.

Kabilang sa mga nahuli ang 3 kaanak ni Leo Echegaray sa Barangay San Antonio.

Si Echegaray ang nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection noong 1999.

Ayon kay Supt. Rodrigo Soriano, hepe ng Masambong Police Station, matagal na minanmanan ng pulisya ang target na si alyas Mario, pamangkin ni Echegaray, na nasa drugs watch list ng estasyon.

ADVERTISEMENT
Nakabili ang poseur buyer ng P500 halaga ng hinihinalang shabu mula kay Mario.

Kalaunan ay inaresto si Mario kasama ang 2 niyang kaanak at 3 iba pa. Ginagawa rin umanong drug den ang naturang bahay.

Nasamsam sa kanila ang 8 sachet ng umano'y shabu at mga drug paraphernalia.

Aminado ang mga kaanak ni Echegaray na sangkot sila sa ilegal na gawain. Depensa naman ng iba, napadalaw lang sila sa bahay.

Sa Mendez St., Barangay Baesa naman, timbog ang 4 na umano'y drug suspect. Nakuha sa kanila ang 7 sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.