Home > News PANOORIN: Malakas na pagyanig ng lindol sa isang supermarket sa Benguet ABS-CBN News Posted at Jul 28 2022 12:07 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Video courtesy: Junior Salaysay Ibinahagi ng tagapamahala sa isang supermarket sa Barangay Pico sa La Trinidad, Benguet ang kanilang CCTV footage sa nangyaring malakas na paglindol nitong Miyerkoles ng umaga. Makikita sa CCTV na bago mag-8:44 ng umaga nag-umpisa ang lindol. Kita ang malakas na pag-alog sa mga istante at sinundan ng pagbagsak ng mga produkto. Ayon kay Junior Salaysay na nagbahagi ng video, ito ang pinakamalakas na lindol na kaniyang naranasan. "Sa building, wala namang napinsala, 'yung mga paninda lang po ang na-damage lalo na 'yung mga babasagin tulad ng mga alak, spread, at ibang mga item na nasa bottle," ani Salaysay. Aniya, agad din silang naglinis at nag-ayos ng kanilang puwesto para agad silang makabalik-operasyon at makapamili na ang mga customer. 5 reported dead, 64 wounded in powerful Luzon earthquake, says NDRRMC LOOK: M7.0 quake damages heritage structures, churches —ulat ni Hernel Tocmo Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber earthquake, CCTV, Benguet, Abra, Luzon earthquake, Tagalog news Read More: earthquake earthquake PH lindol PH Philippines earthquake Luzon earthquake CCTV Phivolcs Benguet Abra Luzon Philippines earthquake videos Tagalog news