'Pinasalamatan lang kami': Pangakong benepisyo giit pa rin ng health workers matapos ang SONA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Pinasalamatan lang kami': Pangakong benepisyo giit pa rin ng health workers matapos ang SONA

'Pinasalamatan lang kami': Pangakong benepisyo giit pa rin ng health workers matapos ang SONA

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic, pero ayon sa Alliance of Health Workers, hindi ito sapat kung hindi naman matutugunan ang pangangailangan at mga pangako sa kanila ng gobyerno.

“Yun nga ang nakakalungkot. Pinasalamatan lang kami pero hindi naman niya in-ensure yung protection, mga karapatan at safety ng mga health workers at doon sa pag-provide sana ng dagdag benepisyo, pagtaas ng mga sahod at tapusin na yung contractualization sa hanay ng mga manggagawang pangkalusugan dahil alam namin sa panahon ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang state of emergency at yung dumagdag pa yung Delta variant,” pahayag ni AHW national president Robert Mendoza.

Sa panayam sa TeleRadyo Martes ng umaga, sinabi ni Mendoza na sana ay nabanggit din ni Duterte sa kaniyang huling State of the Nation Address nitong Lunes ang mga benepisyo sanang dapat matanggap ng mga health workers.

“Sana sinabi pa rin niya mga dagdag benepisyo at mga kagalingan ng mga health workers at mga protection pero hindi rin natin narinig at parang nawala yung esensiya doon sa pandemyang ito na dapat pangunahing prayoridad sa panahon na ito ay mga health workers, kalusugan ng mamamayan at doon sa pagsugpo sa COVID-19,” sabi ni Mendoza.

ADVERTISEMENT

Pinasalamatan ni Duterte sa unang bahagi ng kanyang SONA ang mga health workers at frontliners para mapatakbo ang mga health facility sa gitna ng pandemya.

Nitong Lunes, umabot na sa 1,555,396 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Mendoza, marami pa rin ang hindi nakatatanggap ng kanilang meals, accommodation at transportation, at special risk allowance na ipinangako sa kanila.

Dagdag niya, simula Marso 29 ngayong taon ay nasa 141 na ang health workers na nasawi dahil sa COVID-19.

- TeleRadyo 27 Hulyo 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.