1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Batasan Hills | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Batasan Hills

1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Batasan Hills

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 12, 2022 06:59 AM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Patay ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan sa isang insidente ng pamamaril sa Batasan Hills, Quezon City, Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Maj. Kenneth Leaño, deputy station commander ng QCPD Station 7, dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang namaril sa biktima sa bahagi ng Kalinisan Street ng naturang barangay.

Bumaba ang dalawa sa motorsiklo at malapitang pinagbabaril ang biktima.

“Ito pong biktima na nakilala natin na si alyas Eloy habang naglalakad dito along Kalinisan Street . . . May dalawang lalaki na lumapit sa kaniya at bigla na lang siyang pinagbabaril. ’Yun nga nagresulta sa kaniyang agarang kamatayan,” ani Leaño.

ADVERTISEMENT

Isang lalaki at isang babae rin ang nadamay sa pamamaril. May tama ng bala sa likurang bahagi ang lalaki at sa balikat at tuhod naman ang babae.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa motibo ng pamamaril.

Hindi pa makausap ang pamilya ng biktima dahil sa labis na pagkabigla sa pangyayari.

Ayon sa pulisya, ang namatay ang target ng mga suspek at nadamay lang ang dalawang kasabay nito na naglalakad.

Isa sa mga hahanapin ng PNP kung may malinaw na CCTV sa pinangyarihan ng krimen na makakatulong sa imbestigasyon.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pamilya sa insidente.—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.