Babae patay sa pamamaril malapit sa bahay sa Tondo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Babae patay sa pamamaril malapit sa bahay sa Tondo

ABS-CBN News
Published Jul 05, 2022 07:26 AM PHT
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Ginulantang ng dalawang putok ng baril ang kahimbingan ng pagtulog ng mga residente sa Tondo, lungsod na ito Lunes ng gabi.

Duguan at wala nang buhay nang matagpuan ng mga residente ang biktima sa isang eskinita sa Barangay 105 Happyland.

Makikita sa CCTV na nahulog na lamang ang 38-anyos na biktima sa hagdan hanggang sa bumulagta.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District homicide unit, nangyari ang pamamaril sa kalapit-bahay ng biktima.

Hindi naman makapaniwala ang asawa nito.

Nagpaalam lamang daw ang biktima sa kaniya na pupunta sa bahay ng kamag-anak. Nagulat na lang siya nang ibalita sa kaniyang napatay ito.

Hindi ngayon alam ng asawa kung paano bubuhayin ang kanyang limang maliliit pang mga anak.

Isa naman ang anggulong ilegal na droga sa mga iniimbestigahan ng Manila Police District sa motibo ng pagpatay.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News