PatrolPH

Bahagi ng SM Cubao nasunog; walang naitalang nasaktan

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2021 06:40 AM

Watch more News on iWantTFC

Nasunog ang bahagi ng SM Cubao pasado alas-4 ng madaling araw nitong Martes. 

Ayon sa isang fire volunteer, sa ground floor nagsimula ang sunog.

Nahirapan pumasok ang mga bumbero dahil sarado ang steel gate sa entrance nito, at kinailangan pang baklasin para makapasok.

Agad namang naapula ang sunog bandang 4:46 ng madaling araw.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at kung aling shops ang apektado. Samantala, wala namang naitalang nasaktan sa sunog. — Jervis Manahan, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.