PatrolPH

Higit 130 bahay nasunog sa Cainta

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2021 02:43 AM

MAYNILA—Hindi bababa sa 133 na mga maliit at dikit dikit na mga bahay ang nasunog sa Floodway West Bank Road sa bayan ng Cainta, Rizal nitong Martes.

Ayon kay F01 Rheomfaith Saluib ng Cainta Fire Station, umabot lang sa ikalawang alarma ang sunog na naireport sa kanila bandang 3:39 ng hapon. 

Gawa sa light materials ang mga bahay kaya madaling kumalat ang apoy. 

Tuluyang naapula naman ito bandang 6:47 ng gabi.

Wala naman naitalang namatay o nasugatan sa insidente. 

Inaalam pa pinagmulan ng apoy at ang halaga ng mga ari-ariang nasira nito. 

—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.