El Nino, ramdam na sa ibang bahagi ng bansa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

El Nino, ramdam na sa ibang bahagi ng bansa

El Nino, ramdam na sa ibang bahagi ng bansa

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 28, 2023 12:27 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA -- Ramdam na ang matinding init sa ilang lugar sa bansa sa harap ng banta ng El Nino.

Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Southern Leyte Governor Damina Mercado na mainit sa ilang bayan, pero may konting ulan pa rin sa mga lugar sa norte ng probinsya.

"Actually ngayon na-feel na namin because season talaga ngayon ng El Nino, but it so happened because of the low pressure (area) tsaka sa (southwest) monsoon, habagat, meron pang konting ulan-ulan, in fact kagabi malakas ang ulan sa iba-ibang lugar," aniya.

Una nang nasabi ng state weather bureau PAGASA na posibleng dumanas ng tagtuyot ang Southern Leyte sa mga susunod na buwan.

ADVERTISEMENT

Dahil sa banta ng El Nino, naghahanda na ang mga lokal na pamahalaan na may sakahan.

"Nag-prepare na tayo sa mga irrigation system para sa rice field na ‘to, because dito rin sa amin, sa Southern Leyte, meron ding mga towns dito sa Pacific area na rice producer. For example sa St. Bernard, sa Hinundayan, dito sa Hinunangan town," aniya.

Samantala, sa lalawigan naman ng Isabela, sinabi ni Governor Rodito Albano III na bahagyang nabawasan ang lebel ng tubig sa Cagayan River sa may bahagi ng Isabela, pero umuulan naman sa kanilang lugar tuwing hapon.

Sa Abra, planong makipagpulong ng panlalawigang pamahalaan sa iba't ibang opisyal bilang paghahanda sa El Nino.

Sabi ni Officer-in-Charge Arnel Valdez ng Abra Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ikinakasa na ang mga solar-powered irrigation system para mga maapektuhang barangay at munisipalidad.

Una nang inihayag ng PAGASA na dumaranas ng dry spell ang Abra, Apayao, Cagayan, at Ilocos Norte at Kalinga.

--TeleRadyo, 28 Hunyo 2023

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.