SSS nag-alok ng P20,000 COVID-19 calamity loan

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2020 11:28 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Maaari nang mag-apply ang mga miyembro ng Social Security System para sa hanggang P20,000 na calamity loan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Hinihikayat ang mga miyembro na mag-apply online o gamit ang mobile app ng SSS, ayon kay Maria Cecilia Mercado, pinuno ng SSS media affairs team.

Kailangang updated ang paghulog ng kontribusyon ng miyembro at mayroong 36 na kontribusyon sa nakaraang 6 na buwan, ani Mercado.

Kailangan ding hindi pa sila nakapag-apply ng anumang final claim tulad ng retirement o total disability benefits, dagdag niya.

Maaaring mag-apply ang mga miyembro ng SSS para sa calamity loan hanggang Setyembre 14, ayon kay Mercado.

Nauna nang pinalawig ng SSS ang pagbabayad ng mga kontribusyon hanggang Hunyo 30.