Home > News Criminal gang suspek patay sa engkwentro sa Albay ABS-CBN News Posted at Jun 15 2021 06:32 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Patay ang 1 lalaki na nakipagbarilan umano sa mga pulis sa bayan ng Oas, Albay nitong Sabado. Itinuring ng pulis na armed and dangerous umano ang lalaki. Ayon kay Police Brig. Gen. Jonnel Estomo, hepe ng Police Regional Office 5, may confidential informant ang nagsumbong sa Albay police ukol sa ilegal na gawain ng isang alyas Tikboy. Agad nagkasa ng buy-bust ang mga pulis at may nagpanggap na bibili ng baril sa suspek. Nakipagkita ang poseur-buyer sa suspek sa gilid ng kalsada sa Barangay Camagong sa Oas. ‘Moment of hope’: Amnesty International lauds ICC investigation on Duterte drug war Inabot ng suspek na nakasakay ng motorsiklo ang napagkasunduang kalibreng-38 baril sa poseur-buyer na nag-abot naman ng bayad na P10,000. Pero nakaramdam umano ang suspek na may mga pulis na sa paligid kaya nagpaputok ito. Nauwi sa enkwentro ang buy-bust at nabaril ang suspek umano. Dinala pa sa ospital ang lalaki pero dineklarang dead on arrival. 155 kilos of 'shabu' worth over P1-B seized in 2 drug busts Nakuha sa suspek ang baril, may isang sachet ng hinihinalang shabu, at pati ang motorsiklo na pinaniniwalaang nakaw rin. Si Tikboy umano ay miyembro ng Concepcion criminal gang na nag-ooperate sa Bicol, Calabarzon at maging sa Metro Manila. Siya rin umano ay maraming kasong may kinalaman sa ilegal na pagbebenta ng baril, robbery, holdup, carnapping at iba pa. — Jekki Pascual, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber buy bust, barilan, criminal gang, Albay engkwentro, Tagalog news, Sakto, Teleradyo Read More: buy bust barilan criminal gang Albay engkwentro Tagalog news Sakto Teleradyo