Bulkang Bulusan, posibleng muling sumabog | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bulkang Bulusan, posibleng muling sumabog

ABS-CBN News
Published Jun 13, 2022 10:42 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Posibleng pumutok pang muli ang Bulkang Bulusan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Muling sumabog nitong madaling-araw ng Linggo ang bulkan, na ayon sa mga awtoridad ay mas malakas kompara sa pagputok nito noong Hunyo 5.

“Posible namang magkaroon pa ng mga pagsabog sa Bulusan, usually character niya 'yang mga phreatic eruption episodes ay hindi lang 1 o 2, minsan mas marami,” ani Phivolcs director Renato Solidum ngayong Lunes.

“Ito ay mangyayari kapag ang usok ay may pressure. Kung tuloy-tuloy lang paglabas, mas maigi na 'yan kaysa makaipon ng pressure. Pero kailangan nating pag-ingatan na talagang possible pang magkaroon ng mga pagsabog,” sabi niya sa panayam ng TeleRadyo.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Solidum, patuloy pa rin ang pag-aalboroto ng Bulkang Bulusan.

“Patuloy po ang paglalabas ng usok sa Bulkang Bulusan pagkatapos po ng pagsabog kahapon ng madaling-araw. At sa 24 na oras, magmula alas-5 ng umaga kahapon, hanggang kanina alas-5, may kulang-kulang na 100 ‘no, around 97 volcanic earthquakes,” sabi ng opisyal.

Patuloy na pinag-iingat ang mga taga-Sorsogon sa masamang epekto ng pagsabog ng bulkan.

“Siguraduhing may bitbit parating mga mask para naman pong may pagbagsak ng abo ay maisuot ito, maigi kung N95, at kung nasa bahay naman ay manatili sa loob ng bahay o pumasok sa loob ng bahay habang may pagbagsak ng abo,” bilin ni Solidum.

“Mga kababayan naman nating malapit sa ilog ang mga bahay, bantayan kung may malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan dahil baka magkaroon ng baha na may putik o di kaya ay lahar,” dagdag niya.

— TeleRadyo, 13 Hunyo 2022
Read More:
Bulusan
bulkan
volcano
Phivolcs
eruption
phreatic eruption
disaster
calamity
safety tips
Renato Solidum
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT