'Mas malakas' na pagputok naiulat sa Bulusan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Mas malakas' na pagputok naiulat sa Bulusan

'Mas malakas' na pagputok naiulat sa Bulusan

Jose Carretero,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 12, 2022 06:46 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

(UPDATE) Muling pumutok nitong madaling araw ng Linggo ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon, na ayon sa mga awtoridad ay mas malakas kompara sa pagputok nito noong nakaraang linggo.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-3:37 ng madaling araw nang muling magkaroon ng phreatic eruption ang bulkan, na tumagal nang 18 minuto.

"Base sa earthquake signal, kasi may mga signal 'yong mga eruptions, mas malakas... ngayon itong kaninang madaling araw," sabi ni Phivolcs Director Renato Solidum.

Bagaman wala pang dahilan para itaas ang alert level ng bulkan, na nasa Level 1 pa rin, nagbabala si Solidum na posible pa ang mga susunod na pagputok.

ADVERTISEMENT

"Ang character naman ng Bulusan Volcano ay 'yong ganyan. May mga pasulpot-sulpot na eruption na hindi lang isang beses and then titigil na. Kaya marami siya na multiple phreatic events magmula pa noong many years ago," paliwanag ni Solidum.

Dahil sa pagputok, nabagsakan ng abo ang 35 barangay sa mga bayan sa paligid ng bulkan, mas marami kompara sa 2 barangay lang noong nakaraang linggo.

Kasama rito ang mga barangay sa Juban, Casiguran, at Magallanes. Nakaabot din umano ang abo sa Irosin at Sorsogon City.

Nagsagawa rin ng flushing ng mga abo sa kalsada ang Bureau of Fire Protection, habang umalalay sa trapiko ang pulisya.

Agad ding naglinis ang mga residente pagsapit ng umaga.

Hindi rin muna nagpatupad ng paglikas ang local disaster office sa bayan ng Juban.

"Ang order is to stay indoor and then madaling araw kaya nasa loob naman ng mga bahay. So ngayon, medyo ano naman, base dito sa panahon natin, medyo humupa naman na," sabi ni Arian Aguallo, spokesperson ng Juban disaster office.

Ayaw na ring lumikas ng ilang residente.

"Sanay na [sa pag-alboroto ng bulkan], noon pa," sabi ni Cynthia Hunra.

"Alam naman namin na delikado pero mas siguro mas mainam na doon na lang kami sa loob ng bahay," sabi naman ni Jessica Dreo.

Samantala, sinabi ni Sorsogon Governor Francis Escudero na hindi pa siya magdedeklara ng state of calamity sa probinsiya.

Magpapatupad umano ang lokal na pamahalaan ng ng food-for-work program para sa mga apektadong residente, na silang maglilinis ng abo sa kani-kanilang mga komunidad.

"Food for work ang ibinibigay ng lalawigan upang sagayon magkaroon naman ng dignidad ang pagbangon ng aming kababayan sa ano mang kalamidad," ani Escudero.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.