Operasyon ng NKTI, lagpas na sa kapasidad | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Operasyon ng NKTI, lagpas na sa kapasidad

Operasyon ng NKTI, lagpas na sa kapasidad

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Lagpas na sa kapasidad ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang mga siniserbisyuhan nitong pasyente, dahilan para ilipat ang ilan sa kanila sa ibang ospital, sabi ng isang opsiyal nito ngayong Miyerkoles.

Ayon kay NKTI executive director Dr. Rose Liquete, karamihan sa mga pumupunta ngayon sa ospital ay may idinadaing na renal problem o problema sa bato.

“Nitong linggo nga, kailangan namin mag-decongest. Maglipat kami ng ibang pasyente sa ibang ospital, lalo na sa Tala Hospital. At saka nagbukas na rin kami ng gym. Kasi sobra na sa 3 times capacity namin last week,” sabi niya sa panayam ng TeleRadyo.

“Ngayon naman, medyo namin nako-control dahil nga siguro nalaman ng marami na punong-puno kami ‘no, lesser ang pumupunta, talagang ni-limit muna namin ang dumadating, ang ina-accept, at nagbukas ng gym. Pero puno na rin ho yung binuksan namin na gym,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Nahihirapan ngayon ang NKTI na tumanggap ng mga karagdagang pasyente dahil kulang na rin sila sa mga nars, ani Liguete.

“Sa ngayon, para sana ma-break even man lang kami, 90 ang kailangan namin na nurses. So, marami nang umalis, medyo kaunti lang ang nag-a-apply,” sabi niya.

Nanawagan si Liquete sa mga nars na mag-apply ng trabaho sa kanilang ospital.

“Maganda naman po ang mga benefits natin dito sa gobyerno. ‘Di ba di hamak naman na itinaas na ang suweldo ng mga nurses natin, and of course, may mga benefits din po sila.”

— TeleRadyo, 8 Hunyo 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.