'Kalokohan': Grupo sinabing ‘di aabot sa P700 ang presyo ng sibuyas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Kalokohan': Grupo sinabing ‘di aabot sa P700 ang presyo ng sibuyas

ABS-CBN News
Published May 18, 2023 10:36 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Hindi na aabot sa P700 ang presyo ng sibuyas sa mga palengke ngayon, ayon sa isang grupo ng mga magsasaka nito sa Nueva Ecija.

Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Luchie Cena, manager ng Valiant Cooperative sa Nueva Ecija, na nasa higit P100 ang bentahan ng mga sibuyas mula sa mga cold storage facility.

“May balita na namimintuho daw na maging P700, ay kalokohan po yung news na yun dahil ang presyo lang po dito ay P105,P120 dito sa cold storage pagka cinompute niyo po ang labasan,” aniya.

“’Kaya pag ho dumating dyan sa palengke, siguro baka P130, P135, hanggang P140 lang,” dagdag pa niya.
“’Kaya pag ho dumating dyan sa palengke, siguro baka P130, P135, hanggang P140 lang,” dagdag pa niya.
ADVERTISEMENT
Pero ani Cena, maaaring tumaas pa ang presyo ng sibuyas kapag dumating sa palengke dahil dumadaan ito sa kamay ng maraming trader.

“Maaari, yan po ay sa dami ng kamay na humahawak ay nagkakaroon po ng pagtaas. Pero dito po sa cold storage ay mababa lamang po.”

Una nang itinanggi ng Department of Agriculture na aabot sa hanggang P700 ang kada kilo ng sibuyas, tulad ng nangyari noong nakaraang holiday season.

--TeleRadyo, 18 Mayo 2023
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT