PAGASA: Malapit nang pumasok ang tag-ulan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PAGASA: Malapit nang pumasok ang tag-ulan

ABS-CBN News
Published May 17, 2017 03:40 AM PHT
|
Updated May 17, 2017 04:22 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Base sa pag-aaral ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring magsimula ang tag-ulan sa pagitan ng Mayo 28 hanggang Hunyo 8. Kadalasan umanong nagsisimula ang tag-ulan tuwing ikalawang linggo ng Mayo hanggang unang linggo ng Hunyo.

Giit naman ng PAGASA, wala pa silang opisyal na anunsiyo hinggil sa opisyal na panahon ng pagdating ng tag-ulan.

Normal man ang inaasahang umpisa ng tag-ulan. Kapansin-pansin naman na mas maiksi ngayon ang panahon ng tag-init kumpara noong mga nakalipas na taon.

“Nagkaroon tayo ng remnants ng tinatawag na ‘weak La Niña”, so ibig sabihin, mayroon pa tayong naranasan na mga pag ulan noong first quarter ng year. Until first week of April, nag-uulan pa rin tayo kaya na-delay ‘yung start ng dry seaon,” ani Ana Salmoro- Solis, ang officer-in-charge ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA.

Sa darating na tag-ulan, inaasahang mas maraming bagyo ang dadaan sa bansa lalo't walang El Niño o La Niña na umiiral.

Ayon sa PAGASA, posibleng 20 bagyo ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa buong taon na ito.

“Since marami tayong bagyo na inaasahan kumpara noong nakaraang taon, posibleng makaranas tayo ng bagyo na maraming hatid na malalakas na ulan,” dagdag ni Salmoro-Solis.

Sa darating na tag-ulan, paalala ng PAGASA, maghanda para iwas sakuna.

I-Bandila mo, Bettina Magsaysay. - Bandila sa DZMM, Martes, 16 Mayo, 2017