PatrolPH

Maginhawa community pantry magsisilbing dropoff point na lang ng donasyon

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2021 07:04 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Magsisilbing drop-off point na lamang ang Maginhawa community pantry simula Martes, ayon sa organizer nito.

Ito ay para maiwasan ang mahabang pila ng mga benepisyaryo, ayon kay Ana Patricia Non.

May grupo ng mga bikers na maghahatid ng donasyon sa 15 iba pang community pantry.

Bukas ang Maginhawa community pantry para sa mga donasyon araw-araw mula 10 a.m. hanggang 6 p.m., ayon kay Non.

--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.