Maginhawa pantry balak gawing drop-off point ng mga donasyon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Maginhawa pantry balak gawing drop-off point ng mga donasyon

ABS-CBN News
Published Apr 26, 2021 06:16 PM PHT
|
Updated Apr 26, 2021 07:04 PM PHT

Binabalak na gawin na lamang hub o drop-off point ng mga donasyon ang community pantry sa Maginhawa, Quezon City, sabi ngayong Lunes ng organizer nito.

Ayon kay Ana Patricia Non, ipapamahagi na lang ang mga donasyong iiwan sa Maginhawa community pantry sa 15 iba pang pantry.

Isa rin umano itong paraan para maiwasan ang pila ng mga tao at makasunod sa mga health protocol laban sa pagkalat ng COVID-19.

"Itong Maginhawa na nag-start sa maliit na kariton, magiging drop-off center ng mga donation tapos kami na po ang lalapit sa mga tao sa mga barangay para hindi na sila pumila dito," ani Non.

"Idi-distribute namin 'yong mga goods na makukuha dito and ire-ready namin para iabot sa mga barangay for community pantries na established na," dagdag niya.

Nagsimula ang community pantry movement — na layong makapagbigay ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga apektado ng pandemya — sa Maginhawa hanggang sa daan-daan nang bersiyon nito ang sumulpot sa iba-ibang bahagi ng bansa.

Dahil sa mga pagbabago, nakikipagtulungan din si Non sa Claret School of Quezon City, kung saan ibinabagsak ang tone-toneladang gulay na binibili mula sa pondong nalikom ng kapatid ni Non sa Amerika.

Paraan din daw iyon para matulungan ang mga magsasaka sa Central Luzon at Cordillera na naapektuhan ng pandemya.

-- Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
community pantry
Maginhawa
Maginhawa community pantry
Quezon City
bayanihan
Ana Patricia Non
drop-off
donation hub
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT