VIRAL: Bata nakaligtas sa landslide sa Baybay, Leyte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Bata nakaligtas sa landslide sa Baybay, Leyte

VIRAL: Bata nakaligtas sa landslide sa Baybay, Leyte

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 19, 2022 05:16 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA (UPDATE) — Viral ngayon ang isang Facebook post kung saan isang bata ang nakaligtas sa landslide sa Baybay City, Leyte matapos ang paghagupit ng Bagyong Agaton.

Nakita ng mga rescuers na bali na ang kaliwang binti ni CJ Jasme, 11 anyos, sa Barangay Kantagnos kaya ipinasok siya sa isang sirang ref bago itinawid sa ilog.

"Nakita ko 'yung paa niya na bali na. Nilagyan ko ng splint, kawayan, at saka may mga tela doon. T'saka humingi ako ng tulong sa mga kasama ko. Nilagay namin siya sa isang ref na sira," ani SFO2 Romulo Mascarinas ng Baybay City Fire Station sa panayam ng ABS-CBN News.

Unang sambit ng bata ay nagugutom siya nang matagpuan ng mga awtoridad.

ADVERTISEMENT

"Parang nahabag 'yung puso ko noon kasi umaga pa 'yun nangyari tapos nakuha namin mga 12 to 1," ani Mascarinas.

Ayon kay Juanito Orellano Jr., guardian ng bata, napag-alaman lang din nila na nilagay ng mga responder ang bata sa loob ng ref.

"May nagsabi naman sa iba na may mga volunteer doon na pumunta na mga civilian, pati 'yung mga second responder, nakita nila [ang bata], nilagay nila sa ref," aniya sa panayam sa TeleRadyo Lunes.

Kasalukuyang nagpapagaling ang bata sa ospital.

Nasawi sa landslide ang mga magulang at isang kapatid ni Jasme. Nakaligtas naman ang isa niyang kapatid matapos makahawak sa isang container nang anurin sa ilog.

Kuwento ni Roselyn Jasme-Orellano, tiyahin ng bata, sinubukan pa ng ama ng bata na iligtas ang anak pero bigong makaligtas ang ama.

Base sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 175 ang nasawi dahil sa mga pagbaha at landslide na idinulot ng Bagyong Agaton.

Walo ang sugatan habang nasa 110 ang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad, ayon sa ahensiya.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

— May ulat ni Sharon Evite

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.