Fire station sa Pandacan binubuo ng mga babaeng bumbero | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Fire station sa Pandacan binubuo ng mga babaeng bumbero

Fire station sa Pandacan binubuo ng mga babaeng bumbero

Karen De Guzman ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Parami na ng parami ang mga babaeng bombero sa bansa pero alam niyo ba na may mga istasyon na puro kababaihan?

Isa na dito ang Pandacan Fire Station, ang kauna-unahang all-female fire station sa Maynila.

Kung dati, pang-opisina lang sila, ngayon, sila na mismo ang nagmamando ng isang buong istasyon at ultimo ang kanilang driver at pump operator, babae rin.

Ayon kay Pandacan Fire Station commander SFO4 Annabelle Padilla, marami ang nagugulat sa tuwing rumeresponde sila sa sunog. Pero pinatutunayan nila na kaya nilang makipagsabayan at walang takot na sumusugod sa nagliliyab na kabahayan.

ADVERTISEMENT

At kasabay ng pressure ng pagiging isang babae, ginagawa nila itong inspirasyon at tinataya ang kanilang buhay makasagip lang ng mga indibidwal.

Dagdag pa nila, hindi dapat kinakatakutan ang pagpasok sa ganitong larangan. Bagkus, ito ay dapat ipagmalaki dahil wala sa kasarian ang paglilingkod sa bayan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.