PatrolPH

Botong 'no,' nangunguna sa plebisito sa Palawan

ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2021 07:01 AM | Updated as of Mar 15 2021 07:02 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nanguna ang botong “no” sa inisyal na bilangan sa isinasagawang plebisito sa Palawan.

Sabado nang simulan ang plebisito kung saan pinagbotohan ng mga residente kung pabor silang hatiiin ang Palawan sa 3 probinsiya: Palawan del Norte, Palawan Oriental, Palawan del Sur.

Sa huling bilang ng Official Board of Canvassers nitong Linggo sa bayan ng Narra at Brooke’s Point, 28,903 ang bumoto ng "no," at 19,799 ang bumoto ng "yes."

Sa Brooke’s Point, halos dikit ang laban, pero malayo ang bilang ng mga bumoto ng "no" sa Narra.

Partial pa lang ang resulta sapagkat hinihintay pa ang canvass mula sa 21 pang bayan sa Palawan.

Ikinatuwa naman ng Commission on Elections ang 49 percent voter turnout na mas mataas kumpara sa iba pang plebisito.

Itutuloy ang canvassing ng mga boto alas-9 ng umaga, Lunes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.