Home > News Lalaki patay sa pamamaril sa Payatas ABS-CBN News Posted at Feb 03 2023 07:38 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Patuloy pa ang imbestigasyon ng Quezon City Police Station sa pamamaril sa isang lalaki sa Everlasting St., Barangay Payatas, Quezon CIty. Nangyari ang insidente pasado alas dos nitong Huwebes. Ayon kay Alejo Vallente ang Executive Officer ng Barangay Payatas, base sa cctv na kanilang nakuha sa pinangyarihan ng krimen, riding in tandem ang may kagagawan sa pamamril na agad tumakas matapos ang insidete. Mismong ang nagmamaneho ng motorsiklo ang bumaril sa biktima. Dalawang beses lang itong nagpaputok. Tatlo patay sa pamamaril sa Pasay Dalawang beses na ring nakulong ang biktima dahil sa ilegal na droga ayon kay Vallente. Hindi na nakatira sa Payatas ang biktima, lumipat daw ito ng Batasan matapos makapag-asawa. Wala namang record ng ibang kaso sa Barangay ang biktima bukod sa ilegal na droga.—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, PatrolPH Read More: Payatas Quezon City pamamaril