Lalaking nanlaban umano sa buy-bust sa QC, patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nanlaban umano sa buy-bust sa QC, patay

ABS-CBN News
Published Jan 12, 2023 06:52 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Patay ang isang lalaki sa engkwentro sa isang buy-bust operation sa Barangay Damayang Lagi, Quezon City, Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay P/Maj. Octavio Ingles ng Galas Police Station, nanlaban ang target ng operasyon ng malaman nito na pulis ang kaniyang ka-transaksyon sa 14th Street sa Sta. Cecilia, Barangay Damayang Lagi.

Agad nakatakas ang kasama ng target na sumakay sa isang motorsiklo.

Nakuha sa suspek ang isang sachet na may lamang 5 gramo ng hinihinalang shabu at may street value na P34,000. Nakuha rin sa kanya ang isang kalibre .38 baril na ginamit umano ng suspek sa paglaban sa mga pulis.

Top 4 sa listahan ng Galas Police Station ang suspek dahil sa ilegal na droga. Dagdag ng PNP, miyembro din siya ng "Ramos Balana criminal group" na sangkot umano sa pagtutulak ng droga at robbery holdup sa Quezon City.

Dati na ring naaresto ang suspek dahil sa kasong robbery holdup.

Ayon sa PNP, sa bahagi ng Quezon City at mga kalapit na lugar sa NCR nag-ooperate ang namatay na suspek.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang kasama nito.—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News