2-way radio gamit sa distance learning sa Catanduanes, nasira rin sa bagyo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2-way radio gamit sa distance learning sa Catanduanes, nasira rin sa bagyo

ABS-CBN News
Published Jan 07, 2021 11:20 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Muling magsisimula ang klase sa lalawigan ng Catanduanes sa susunod na linggo, pero hirap pa rin makabangon maging ang mga guro at estudyante sa epektong iniwan ng nagdaang super typhoon Rolly.

“Na-lift na ng ating governor 'yung suspension of classes. By January 11, resume na ang klase sa lahat ng lebel,” ayon kay Sherwyn Manlangit, guro sa Cagraray Elementary School sa bayan ng Bato.

Isa sa mga liblib na paaralan ang kanilang eskuwelahan. Napapalibutan ito ng mga bundok at dagat naman ang kaharap nito.

Noong Oktubre, napabalita ang paggamit nila ng walkie-talkie para makaagapay sa pag-aaral ng module ng kanilang mga mag-aaral.

ADVERTISEMENT
“Naisip po natin ang project na 'yan kasi mas effective po siya kasi meron kaming real-time intervention,” sabi ni Manlangit sa panayam sa TeleRadyo Huwebes ng umaga.

Pero maging ang mga walkie-talkie units ay hindi nakaligtas sa pananalasa ng bagyong Rolly sa probinsiya.

Sa dating gamit nilang 49 units, nasa 17 hanggang 19 na lamang umano ang mapapakinabangan.

“May natira, pero ‘di na kayang i-cover buong estudyante namin sa Cagraray Elementary School Annex,” sabi niiya.

Malaki ang panghihinayang nila sa pagkasira ng mga ito, lalo na ng mga taong nagdonate ng mga unit.

“Napaka-effective. Namomonitor namin mga bata. At the same time, ang mga bata kapag may ‘di nauunawaan sa module nila kaagad silang nakakapagtanong sa akin and napapaliwanag 'yun nang sabay-sabay nilang napapakinggan,” sabi niya.

Problema rin nila ay ang kawalan pa ng kuryente sa bayan.

“Isa pa po sa problema kung paano mai-charge 'yung mga 2-way radio ng mga bata. Pero sa ngayon po nasa custody ko muna,” sabi niya. Ibabalik na lamang niya ang mga ito sa mga bata sa pasukan.

“Pag low batt, ibabalik ko muna sa bahay doon muna ako magcha-charge,” sabi niya.

Ang paaralan ay isa sa mga nahatiran ng 50 reams ng coupon bond ng Bayan Mo iPatrol at Kabayan sa TeleRadyo sa pamamagitan ng proyektong “Papel Mo sa Kinabukasan Ko”.

Bukod dito, may dala rin hygiene kits, pagkain at inumin ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation.

- TeleRadyo 7 Enero 2021
Read More:
Bagyong Rolly
Catanduanes
Bayan ng Bato
Cagraray Elementary School
Papel Mo sa Kinabukasan Ko
TeleRadyo
walkie talkie
distance learning
education
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT