Walkie-talkie ginagamit ng teachers sa Catanduanes para magabayan ang mga estudyante | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Walkie-talkie ginagamit ng teachers sa Catanduanes para magabayan ang mga estudyante

ABS-CBN News
Published Oct 27, 2020 12:50 PM PHT

Dahil ipinagbabawal ang face-to-face classes, walkie-talkie ang ginagamit ng mga guro ng isang elementary school sa bayan ng Bato, Catanduanes para mas madaling magabayan ang mga estudyante sa pag-aaral ng mga ito ng modules.

Ang paggamit ng walkie-talkie — na binansagang "Radyo Edukasyon Ko" o "Radyo Eduko" — ay ideya ng gurong si Sherwyne Manlangit, na nagtuturo sa mga Grade 5 at 6 students sa Cagraray Elementary School sa Bato.

"Naisip ko po 'yon gawa nang noong nag-lockdown, nakikipagkuwentuhan lang ako doon sa isa sa mga kasamahan ko sa amateur radio club namin," kuwento ni Manlangit sa panayam ng Teleradyo ngayong Martes.

Mabisa ang paggamit ng walkie-talkie dahil madali umanong nakakausap ng mga estudyante ang kanilang mga guro sakaling may tanong sila tungkol sa self-learning modules, na inaaral mula sa kanilang mga bahay.

ADVERTISEMENT
"Talagang on the spot nandiyan 'yong guidance sa mga aralin nila, kung alin 'yong mga hindi nila nauunawaan, kaagad nilang matatanong sa'min mga bata," ani Manlangit.

Wala naman daw problema sa signal ang mga walkie-talkie at ang mahalaga lamang ay may charge ang mga device.

Bagaman nagkakahalagang P1,000 pataas ang isang walkie-talkie, walang ginastos ang mga estudyante dahil nakatanggap ng mga donasyon ang paaralan, ayon kay Manlangit.

Ayon kay Manlangit, nasa 78 unit na lang ng walkie-talkie ang kailangan para lahat ng estudyante ng paaralan ang makagamit nito.

Nanawagan si Manlangit sa publiko ng mga donasyon walkie-talkie at kagamitan sa pagpi-print ng modules tulad ng papel at mga printer.

Maaari umanong magpaabot ng donasyon sa BDO account:

- Account name - Paul Xavier Tejerero
- Account number - 010310082463
- Account name - Paul Xavier Tejerero
- Account number - 010310082463
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
edukasyon
distance learning
walkie-talkie
two-way radio
rehiyon
regions
regional news
Bato
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT