Mag-ama patay dahil sa baha sa Tubod, Lanao del Norte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-ama patay dahil sa baha sa Tubod, Lanao del Norte

ABS-CBN News
Published Jan 05, 2023 08:10 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Patay ang isang ama at ang kanyang 6 taong gulang na anak sa matinding baha dulot ng pag-ulan sa bayan ng Tubod sa Lanao del Norte.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Vicmar Paloma, nasawi ang dalawa habang tumatawid sa isang tulay.

“Actually sakay sila ng parang pedicab po, red pedicab, lima sila, isang pamilya, tapos yun nga, itong 2, isang 44-year-old na ama tapos yung kanyang anak na 6 year-old, ay nalunod nga. Tapos yung 3 kasamahan naman nila, yung 3 niyang anak na babae, injured naman po,” kuwento niya.

“Bale po hindi po nila alam na sira na pala yung tatawiran nila na tulay. Kasi umapaw na nga yung baha,” aniya.
“Bale po hindi po nila alam na sira na pala yung tatawiran nila na tulay. Kasi umapaw na nga yung baha,” aniya.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Paloma, may 1,762 pamilya ang apektado ng baha sa kanilang lugar.

Una nang may naitala na 8-anyos na batang babaeng namatay sa bayan ng Baroy sa nasabing lalawigan matapos maanod ang motor na sinasakyan nila ng kanyang kamag-anak.

--TeleRadyo, 5 Enero 2023
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT