'My Puhunan: Kaya Mo!': Babae sa Taytay sa pagbebenta ng damit nagtagumpay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'My Puhunan: Kaya Mo!': Babae sa Taytay sa pagbebenta ng damit nagtagumpay

ABS-CBN News
Published Dec 17, 2023 05:34 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Saan makakarating ang P5,000 mo?
Saan makakarating ang P5,000 mo?
Ang tubong-Taytay na si Erika Duran, sumugal lang naman na gawin itong puhunan para maging boss ng sarili niyang negosyo na sinimulan sa tinaguriang "Garments Capital of the Philippines," ang Taytay, Rizal na pamoso sa paggawa at pagbebenta ng iba't ibang uri ng kasuotan.

Taong 2014 nang maisipang magnegosyo ni Erika at ng kaniyang asawa.

"'Yung husband ko kasi namamasukan siya, nagtatabas, cutter tapos ako naman po nananahi, subcon. So, nu'ng nakaipon po kami ng P5,000 tinry po namin bumili ng kilo kilo ng tela. So, from that, nirolyo rolyo na siya. Hindi na po namin namamalayan na unti unti, lumalago na po siya," pagbabahgi niya kay Karen Davila para sa programang "My Puhunan: Kaya Mo!"

ADVERTISEMENT
Hindi nabigo sina Erika sa sinuong nilang kabuhayan.

Binabalik-balikan na sila ngayon ng mga parokyano dahil sa maayos at abot-kaya nilang mga damit.

"Kung nakikita niyo 'di ba 'yung mga Bangkok na mga damit, dress, mga designer, mas mura po ang gawang Taytay. So, kasi, kami na po 'yung mismong nagma-manufacture like ito, 'pag sa mall mabibili siya ng mga P400, P500. Dito mga P180," dagdag niya.

Kung naghahanap kayo ng murang mabibilhan ng pangregalo ngayong Pasko, bumisita na sa Taytay Tiangge.

Alamin ang kabuuan ng kuwento ni Erika at kung paano nanganak ng iba't ibang negosyo ang kaniyang damitan dito lang sa 'My Puhunan: Kaya Mo!' kasama sina Karen Davila at Migs Bustos.

RELATED LINKS
Read More:
My Puhunan
Kaya Mo
Current Affairs
Karen Davila
Migs Bustos
My Puhunan Kaya Mo
Negosyo
Business
Taytay Tiangge
Taytay
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT