'CA Throwback': Ang biglaang pagpanaw ng aktres na si Julie Vega | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'CA Throwback': Ang biglaang pagpanaw ng aktres na si Julie Vega

'CA Throwback': Ang biglaang pagpanaw ng aktres na si Julie Vega

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Minahal ng mga Pilipino ang aktres na si Julie Vega.

Kaya naman nang biglaang pumanaw ang dalaga noong 1985 sa edad na 16, labis na nagdalamhati hindi lang ang mundo ng showbiz maging ang lahat ng humahanga sa kaniya.

Huling napanood si Julie sa pelikulang 'Lovingly Yours, Helen: The Movie'. Sa pelikula, sinapian siya ng masamang espiritu.

Kaya naman ng panahong iyon, hindi maiwasang ikabit ang dahilan ng kaniyang pagpanaw sa naging role niya sa pelikula.

ADVERTISEMENT

"Kung ano 'yung lungkot niya sa ginagampanan niya sa telebisyon, ganoon din sa natural na buhay na parang may problema, parang hindi siya happy," kuwento ni German Moreno sa ABS-CBN News.

Bata pa lamang nang magsimula sa mundo ng showbiz si Julie Pearl Apostol Postigo sa tunay na buhay.

Nag-iisa siyang babae sa anim na anak ng mag-asawang dentista na sina Perla at Julio Postigo.

Panoorin ang naging pagsasaliksik ng ABS-CBN News sa buhay ng aktres na si Julie Vega maging ang tunay na dahilan ng kaniyang pagpanaw sa programang 'S.I.M.' na unang ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 noong Abril 21, 2001.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.