Regalo mas mahal, bentahan matumal sa Divisoria | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Regalo mas mahal, bentahan matumal sa Divisoria

ABS-CBN News
Published Dec 20, 2022 06:59 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Limang araw na lang at magpa-Pasko na kaya't nakapagtatakang matumal pa rin hanggang ngayon ang bentahan ng mga panregalo sa mga tiangge sa Divisoria, Maynila.

Ayon sa mga tindera, halos hindi maibenta ang kanilang mga paninda. May ilan pa ngang palugi na presyo para lang makabenta.

Pero hindi rin nila mapagkailang nagtaas sila ng presyo ngayong magpa-Pasko, gaya na lang sa tindahan ni Angel Bernabe na tumaas ng isang daang piso ang mga panindang damit pambata.

Ang mamimili na si Jonathan Salvador na bumibili na mga panregalo sa kaniyang mga inaanak, ramdam din ang pagtaas ng mga presyo sa Divisoria.

Pero sa Divisoria pa rin nagtutungo ang mga tao dahil marami pa rin ang pwedeng pagpilian dito.

Tulad na lang ng mga laruang pambata, kung saan may mga de bateryang manika na nagkakahalaga ng P350 . Ang mga bola, binebenta ng P40 hanggang P280 . Ang Barbie doll naman ay nasa P180, at P200 para sa mga laruang kotse.

Makakabili rin ng halagang P150 na tshirt na may iba't ibang design.

Sa P300 naman makakabili ka na ng iba't ibang klasend bistida na swak na swak para sa mga babae. - Ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News