Rollback malabo, presyo ng petrolyo maaaring tumaas pa: DOE | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rollback malabo, presyo ng petrolyo maaaring tumaas pa: DOE

Rollback malabo, presyo ng petrolyo maaaring tumaas pa: DOE

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 08, 2022 10:00 AM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA – Malabong magkaroon ng rollback sa presyo ng mga produkto ng petrolyo, ayon sa isang opisyal ng Department of Energy (DOE).

“Wala tayong nakikitang ganoon,” ani DOE Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad sa TeleRadyo.

Bagkus, maaari ngang lalo pang tumaas ang presyo ng krudo sa susunod na linggo, aniya.

“Ine-expect po talaga natin unfortunately na tataas pa po ang price, until--meron pong colatilla lang dyan, until magkaroon po ng price destruction doon sa demand.”

ADVERTISEMENT

Paliwanag niya, “So ang presyo po ay talagang mataas na. May teorya kasi na ang demand na ngayon ang umaatras. Meaning, ang mga gumagamit ang naghahanap ng alternatibo o binabawasan na talaga ang kanilang fuel utilization kasi yung working capital na allocated doon, humihina na yung purchasing power.”

“So, hindi na nila nakakaya dagdagan pa yung absolute amount ng pera. So, in short, ang nakukuha na nilang fuel, pakaunti na nang pakaunti at bumababa ang demand.”

Pero ayon kay Abad, hindi pa nakikita sa ngayon ng mga eksperto ang inaasahan nilang paghina ng demand dahil sa labas na pagtaas na presyo ng petrolyo.

“We are inclined to say na baka sa susunod na linggo, kagaya pa rin ngayon, yung kasingtaas pa rin ngayon ang mangyayaring adjustment,” aniya.

Ayon kay Abad, oil shortage, pababang inventory, at ang patuloy na sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine ang dahilan ng patuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo.

“Yung ongoing na shortage, daily shortage production na ang estimate ng (International Energy Agency) ay nasa 1 million. Pangalawa, hinuhugot na po yung supplement na yan sa mga existing stored inventory na declining din, na pababa nang pababa dahil wala pong build up na nakukuhang pambalik doon sa inventory,” aniya.

“At pangatlo, itong Russia-Ukraine, talagang kumakagat na talaga yung issue ng takot na magkakaroon ng dagdag na shortage galing sa Russian oil. Ang Russian oil ay ine-export, around 5 million barrels per day.”

Nanawagan si Abad sa mga oil companies sa Pilipinas na patuloy na magbigay ng diskwento sa mga motorista.

"Sa oil companies, unang-una, ituloy lang po yung fuel discount, malaking bagay po yan sa ating (public utility vehicle) sector, pati non-PUV sector, yung open to all.”

“May mga discount po na open to all, including private motorist,” aniya.

--TeleRadyo, 8 March 2022

Fuel nozzles hang at a gasoline station in Manila on February 26, 2022. Gasoline prices which already increased for 8 straight weeks recently are expected to rise further amid the escalating conflict between Ukraine and Russia. George Calvelo, ABS-CBN News
Fuel nozzles hang at a gasoline station in Manila on February 26, 2022. Gasoline prices which already increased for 8 straight weeks recently are expected to rise further amid the escalating conflict between Ukraine and Russia. George Calvelo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.