Pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pag-uusapan na ng mga alkalde ng Metro Manila

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pag-uusapan na ng mga alkalde ng Metro Manila

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 25, 2021 06:07 PM PHT

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

MAYNILA — Pag-uusapan ng mga alkalde ng National Capital Region ang mga gagawing mga hakbang para makontrol ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa mga palengke, ayon kay Metro Manila mayors’ council chairman Edwin Olivarez.

Kwento ni Olivarez sa ABS-CBN Teleradyo, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture at Department of Trade and Industry para makontrol ang mga mega-market at nagbabagsak ng mga bilihin.

“Ito pong mga retailer po natin, ‘yung nagtitinda sa palengke, umaasa lang po ‘yan sa bumabiyahe, binabagsakan,” sinabi ng alkalde sa ABS-CBN Teleradyo ngayong Lunes.

“Kaya po sa pag-uusap po namin, kokontrolin po ng ating Department of Agriculture pati ng DTI ‘yung mga mega-market po natin at ‘yung source po ng ating mga poultry na nanggagaling po sa mga probinsya,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa niya, isasama rin sa pag-uusapan sa pagpupulong ng iba pang mga alkalde ng Metro Manila bukas ang pagmomonitor ng presyo ng mga bilihin.

“Kami naman po sa mga LGU, [katulad] kami po sa Parañaque, tinitignan po namin lahat ng mga biyahero, ‘yun pong galing sa Divisoria, galing sa Quezon City doon po namang binabagsak sa’ming palengke para po kami’y magkaroon ng price monitoring,” aniya.

Kasama rin, aniya, sa pag-uusapan ang pagluwag ng age braket ng authorized person outside residence sa 10-65 anyos na nauna nang tinutulan ng alkalde.

“Hindi rin po advisable na itong pong mga authorized person outside residence ay luwagan po agad ‘yung edad, ‘yung 10-65 kasi alam naman po natin ‘yung mga bata usually mga superspreader po natin eh. Mga asymptomatic po siya ‘pag lumabas po siya, umuwi po siya sa bahay, wala silang symptoms pero nakakahawa po sila within their family po,” aniya.

“Personally po kami sa Parañaque po, hindi po namin inaadvise na until na (general community quarantine) pa tayo na mabuksan nang mas maluwag ang age bracket.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.