Agri dept inirekomenda na kay Duterte ang price freeze sa produktong baboy, manok | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Business
Agri dept inirekomenda na kay Duterte ang price freeze sa produktong baboy, manok

ABS-CBN News
Published Jan 23, 2021 04:20 PM PHT
|
Updated Jan 23, 2021 04:42 PM PHT
MAYNILA - Ihihirit ng Department of Agriculture sa Malacañang na magpatupad ng price freeze sa suggested retail price ng baboy at manok sa gitna ng mga nararanasang mga taas-presyo.

Kinumpirma ito ni DA Undersecretary Noel Reyes sa panayam sa Teleradyo, at nagsabing nakatakda nilang ibigay ang mga papeles sa Palasyo sa mga susunod na araw para mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Mag-aano na ng price freeze at 'yun may penalty na 'yon. So kailangang presidente ang mag-impose. May rekomendasyon na sa Malacañang may mas ngipin yong price freeze kaysa SRP dapat ang presidente pumirma noon," ani Reyes.

Ayon kay Reyes, dapat nasa P270 lang hanggang P300 ang kada kilo ng baboy, habang ang manok, dapat nasa P160 lang kada kilo.

ADVERTISEMENT
Umaabot na sa halos P400 ang presyo ng kada kilo ng baboy sa Luzon - bagay na itinuturo ng mga hog raiser sa banta ng African swine fever at sa kakulangan umano ng baboy.

Tumaas naman ang demand sa manok kaya nagtaas-presyo rin ang farmgate price nito. Sa mga pamilihan, tinatayang nasa P190 hanggang P200 ang kada kilo ng manok.

Ayon sa batas, kulong at multa ang maaaring iharap sa mga lalabag sa price freeze.

Ang pagtaas ng presyo ay ibinibintang ng DA sa mga anila'y nananamantalang negosyante.

Pero sa parehong panayam sa Teleradyo, iginiit ng ilang meat vendor hindi nila ito kakayanin na sundan.

"Ang tanong ko lang po sino ang ipa-price freeze? Kaming vendors? Parang hindi po tama na kami ang i-price freeze nila kasi kami po ay sumusunod lang sa takbo ng produkto. Wala ho kaming power na itaas ang kalakal namin sa kagustuhan namin," ani Ricky Delgado, pork dealer sa Quinta Market sa Maynila.

Sang-ayon din dito ang chicken dealer sa nasabing palengke na si Ed Guinto, na nanawagang ibaba ang farmgate price ng manok lalo't ito aniya ang batayan nila sa pagpataw ng presyo.

Nasa P80 hanggang P100 ang dapat na farmgate price ng manok. Sa ngayon, ayon kay Guinto, umaabot ito ng P135.

Ayon kay Reyes, sisiguruhin nilang ibaba ang farmgate price.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
baboy
manok
Teleradyo
market
market prices
farmgate prices
African swine fever
suplay ng baboy
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT