Walang sisig: Ilang ulam hindi na ibinebenta sa ilang karinderya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Walang sisig: Ilang ulam hindi na ibinebenta sa ilang karinderya

ABS-CBN News
Published Jan 05, 2023 06:59 AM PHT
|
Updated Jan 05, 2023 07:20 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA— Kanya-kanyang diskarte ang mga may karinderya para makatipid sa pagamit ng sibuyas kahit bumaba na ang presyo nito sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Pumapalo na lamang sa P280 ang pinakamababang presyo ng sibuyas mula P320 kada kilo sa Mega Q Mart sa Quezon City simula Miyerkoles.

Medyo maliliit na klase nga lang ito ng pulang sibuyas. Sa kabila nito, todo diskarte pa rin ang ilang may-ari ng karinderya para makatipid.

Ang P280 kasi na kada kilo ng sibuyas mahal pa rin, ayon sa kanila, kaya apektado pa rin ang kanilang kita kung hindi magtitipid sa pagamit nito.

Ang iba kaunti lang ang nilalagay na sibuyas sa mga nilulutong ulam, lalo na kung hindi naman maaapektuhan ang lasa nito kung mas maraming bawang na lang ang gagamitin.

Pero may ilang tindahan na hindi muna nagluluto ng pagkain na kailangan ng maraming sibuyas, kagaya ng sisig. Magastos sa sibuyas ang sisig, ayon sa mga nagtitinda, kaya hindi sila makakabawi. Dahil dyan hindi muna sila nagluluto at nagbebenta nito.

Para sa mga sisig lovers, sakali naman raw na bumalik na sa mahigit P100 lang ang kada kilo ng sibuyas, tiyak na ibabalik na rin nila ang sisig sa menu lalo’t best seller ito ng ilang mga tindahan.

Nasa P250 pesos ang ipinataw na suggested retail price ng Department of Agriculture sa sibuyas.

Malapit na itong maabot dito sa Mega QMart dahil P280 na mabibili ang sibuyas dito.—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News