P170/kilo sibuyas, pinilahan sa Kadiwa ng QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P170/kilo sibuyas, pinilahan sa Kadiwa ng QC

P170/kilo sibuyas, pinilahan sa Kadiwa ng QC

ABS-CBN News

Clipboard

Dinagsa ng mga mamimili ang Kadiwa store sa Quezon Memorial Circle ngayong Sabado ng umaga. Karen De Guzman, ABS-CBN News
Dinagsa ng mga mamimili ang Kadiwa store sa Quezon Memorial Circle ngayong Sabado ng umaga. Karen De Guzman, ABS-CBN News

Dinagsa ng mga mamimili ang Kadiwa store sa Quezon Memorial Circle ngayong Sabado ng umaga.

Pinilihan nila ang P170 kada kilo ng sibuyas na higit P500 na mas mura ang halaga kumpara sa mga tinitinda sa pamilihan.

Pero ang siste, limitado lang sa tatlong kilo ang pupwedeng bilhin ng kada konsyumer.

Kwento ni Nimfa San Miguel, kahapon malaya pa silang nakakapamili ng klase ng sibuyas at kung gaano karami ito. Subalit ngayon, naabutan nilang naka-repack na kada kilo ang mga sibuyas.

ADVERTISEMENT

"Ang sabi namin kunwari sa isang kilo di mo naman alam na baka meron nang sirang sibuyas dun, pag nilabas mo sa lagayan baka wala ng isang kilo yun diba. Parang unfair naman kahapon," ani San Miguel.

Dagdag pa ni San Miguel, ang ilan sa bumili kahapon, sobra sobra ang kinuha dahil ibebenta rin pala sa iba.

"Hindi pala para sa mga ano to mahihirap, meron din palang gagawing business. Bumibili ng marami e, tapos magkano na ba sa palengke ngayon? 650-700 diba. Sana naman pag mga ganyan na pila, tama lang talaga na may limit," ani San Miguel.

Samantala, humabol naman sa pamimili para sa media noche ang ilang pumila sa Kadiwa tulad ni Evangelina Dela Cerna na galing pa ng Barangay Payatas.

Mahigit tatlong oras siyang nakapila dito bago nakapamili ng pang handa sa bagong taon.

"Mas mura kasi ito. Sa palengke kasi, baka abutin na kami ng P2,000. Pagod sana pero di na namin iniisip yun, at least nakamura kami dito," ani Dela Cerna

Sa panayam naman ng Teleradyo kay DA Asec. Kristine Evangelista, sinabi niya na sa kanilang pag-iikot, mataas pa rin ang presyo ng sibuyas dahil inuubos pa ang kanilang stocks.

Pero iginiit niya na kaya ang P250 pesos per kilo na bentahan ng sibuyas base sa pakikipagpulong ng kagawaran sa iba’t ibang stakeholders.

Magpapatuloy naman aniya ang Kadiwa stores sa tulong na rin ng mga lokal na pamahalaan para makapaghatid ng mas murang produkto para sa mga Pilipino.

-- Ulat ni Karen De Guzman, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.