Patrol ng Pilipino: Bakit may ‘Christmas convoy’ papuntang West PH Sea? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Patrol ng Pilipino: Bakit may ‘Christmas convoy’ papuntang West PH Sea?

Patrol ng Pilipino: Bakit may ‘Christmas convoy’ papuntang West PH Sea?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Sa kauna-unahang pagkakataon, maglalayag patungong West Philippine Sea ang isang sibilyan na convoy ng mga barko.

Hangad ng Atin Ito Coalition na nag-organisa ng tinaguriang Christmas convoy na pasayahin ang mga kababayan at tropang Pilipino sa mga isla roon.

Bukod sa mga pamasko at pang-Noche Buena, nagbitbit pa ang barko ng life-size na Belen o Nativity Scene.

Ibababa rin sa Pag-asa Island ang mga supply para sa mga nakadestino sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal.

ADVERTISEMENT

Dadaanan din ang Patag at Lawak Island.

Sa Linggo, Disyembre 10, tutulak ang convoy mula Palawan at inaasahang babalik sa isla ng Disyembre 13.

– Ulat ni Jervis Manahan, Patrol ng Pilipino

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.