Patrol ng Pilipino: Ano-ano ang mga sanhi ng storm surge? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Patrol ng Pilipino: Ano-ano ang mga sanhi ng storm surge?

Patrol ng Pilipino: Ano-ano ang mga sanhi ng storm surge?

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 08, 2023 10:51 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Pinamalas sa marami ng super bagyong Yolanda noong 2013 ang pinsalang dulot ng storm surges o daluyong.

Kahit binabanggit na sa mga babala, hindi naging malinaw para sa marami noon ang tindi ng epekto nito, kaya higit 6,000 ang nasawi.

Sa storm surge, hindi normal ang pagtaas ng tubig at humahampas sa baybayin dahil tinutulak ito ng malalakas na hangin ng bagyo. May epekto rin ang low pressure sa sentro ng bagyo sa lakas ng storm surge.

Mas mataas ang storm surge kapag ang bagyo ay malakas, malawak, mabilis ang galaw at sapul ang direksyon sa baybaying dagat–na lahat nangyari noong Yolanda.

ADVERTISEMENT

Dumagdag pa rito ang lagay ng coastline na tinamaan nito at laki ng populasyon doon.

Kasunod ng trahedya ng Yolanda, naging bahagi na ang storm surge ng kamalayan sa paghahanda sa mga paparating na unos.

– Ulat ni Ariel Rojas, Patrol ng Pilipino

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.