Patrol ng Pilipino: Ang kuwento ng salitang ‘Kapamilya’ | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol ng Pilipino: Ang kuwento ng salitang ‘Kapamilya’

ABS-CBN News
Published Oct 26, 2023 02:11 AM PHT

MAYNILA -- Sa 70 taong paglilingkod ng ABS-CBN mula nang simulan nito ang telebisyon sa Pilipinas noong Oktubre 1953, kilala na ito ngayon bilang “Kapamilya” network.

Binuo ang salitang ito sa paghahangad ng kompanya na bigyang-persona ang motto nito na “In the service of the Filipino,” sabi ni Cindy de Leon, dating namuno sa ABS-CBN Creative Communications Management (CCM).

Naging inspirasyon nito ang nakitang malasakit ng mga taga-ABS-CBN sa kanilang trabaho at mala-pamilyang turing sa publiko lalo sa panahon ng krisis.

Ipinakilala ito gamit ang mga personalidad ng network bago mag-taong 2000.

ADVERTISEMENT
Kaya sabi niya, isinapuso na rin ito ng maraming empleyado at naging pamantayan din kung paano nakikita ng publiko ang ABS-CBN.

Niyakap na rin ito ng maraming kababayan sa buong mundo kasunod ng slogan na “Bawat Pinoy, Kapamilya”, sabi ni CCM head Robert Labayen.

Matapos mawala ang prangkisang pambrodkast ng network, lumalim pa ang kahulugan ng mga katagang ito higit sa pagiging slogan na pantelebisyon, dahil sa mga nabubuong partnership ng ABS-CBN maging sa dati nitong mga karibal.

--Ulat ni Anjo Bagaoisan, Patrol ng Pilipino
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT