Patrol ng Pilipino: Init at problema sa tubig, hamon sa evacuees sa Albay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol ng Pilipino: Init at problema sa tubig, hamon sa evacuees sa Albay

ABS-CBN News
Published Jun 13, 2023 03:31 PM PHT

MANILA — Habang binabantayan ng disaster officials ang lagay ng bulkang Mayon sa Albay at ng mga inilikas dahil sa pag-aalburoto nito, may ilang problema na nararanasan ng mga inilikas.

Iniinda ng ilang nasa Bongabong evacaution center sa bayan ng Camalig ang hindi pag-akyat sa kanila ng tubig na panligo at panghugas, kaya kailangan pang mag-igib.

Naghanda ng modular tent ang lokal na pamahalaan para sa mga lumikas, pero kanya-kanyang latag ang mga tao ng tent at duyan sa labas ng evacuation center para maging komportable sa init ng panahon.

Pero sa gitna ng kalamidad, hindi mawawala ang bayanihan sa pagtutulungan ng mga residente at pag-abot ng relief goods sa mga evacuees.

Mahigit 4,000 na pamilya ang kailangang i-evacaute sa Albay habang nasa Alert Level 3 ang Mayon ngayong Martes.

—Ulat ni Jose Carretero, Patrol ng Pilipino
Read More:
Patrol Ng Pilipino
Jose Carretero
Albay
Mayon Volcano
evacuation
Mayon
evacuees
bulkan
DSWD
Camalig
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT