FACT CHECK: ABS-CBN, walang sinabing mag-eeroplano si Sara Duterte araw-araw mula Davao | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: ABS-CBN, walang sinabing mag-eeroplano si Sara Duterte araw-araw mula Davao

FACT CHECK: ABS-CBN, walang sinabing mag-eeroplano si Sara Duterte araw-araw mula Davao

ABS-CBN Investigative and Research Group

 | 

Updated Jun 24, 2022 07:21 PM PHT

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/news/06/24/fact-check.jpg

Walang ibinalita ang ABS-CBN sa anumang news platform nito na magpapabalik-balik sakay ng eroplano araw-araw si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio mula Davao papuntang Maynila kapag naupo na siya sa puwesto.

Taliwas ito sa paratang ng isang video ng YouTube channel na “Streetwise with Takeru Miyamoto” noong Hunyo 19.

Ayon sa naturang video na may pamagat na “ABS CBN, FAKE NEWS AGAD, VP SARA ARAW ARAW SASAKAY NG EROPLANO, DAVAO TO MANILA,” sinasadya diumano ng ABS-CBN na mag-mislead o manloko sa Facebook post nito noong Hunyo 19 tungkol sa pahayag ni Duterte-Carpio na patuloy siyang maninirahan sa Davao kapag naupo na siya sa pwesto.

Sinabi sa 1:05 timestamp ng video: “Ito pong balita na ito ay pinost po ng ABS-CBN bago po ‘yung inauguration ni Vice President Sara Duterte. Para sa akin po kasi, panloloko po ito. Isa po itong pananadya para i-mislead po ‘yung opinyon ng mga tao.”

ADVERTISEMENT

Ayon pa sa video: “Magbabalita na lang ‘tong ABS-CBN na ‘to, hindi pa kinukumpleto. At bukod sa hindi pa kinukumpleto, makikita po natin na mayroong malisya.”

Pero kung babasahin ang naturang Facebook post ng ABS-CBN News at artikulong kalakip nito, ang tanging sinabi dito ay patuloy na maninirahan si Duterte-Carpio sa Davao. Walang anumang nabanggit tungkol sa pagsakay niya ng eroplano araw-araw.

“Vice President-elect Sara Duterte on Saturday said she would continue to reside in her hometown, even as she assumes the second highest post in the country by the end of the month,” ayon sa caption sa official Facebook page ng ABS-CBN News.

FACT CHECK: ABS-CBN, walang sinabing mag-eeroplano si Sara Duterte araw-araw mula Davao

Nakabase ang ulat ng ABS-CBN sa pahayag na ito ni Duterte-Carpio sa isang interview:

"Actually hindi naman ako nagpapaalam sa kanila (Davaoeños) because I will continue on dito nakatira sa Davao City, but I only work in Metro Manila."

Nakatakdang manungkulan bilang Bise Presidente si Duterte-Carpio sa Hunyo 30 ng tanghali.

Sa ngayon, umani na ng halos 3.8k views sa YouTube ang nasabing video.

- With research from Ciara Annatu, ABS-CBN Investigative & Research Group

ABS-CBN News is a part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.