FACT CHECK: Di peke ang dami ng tao sa litrato ng Pampanga rally nina Leni, Kiko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Di peke ang dami ng tao sa litrato ng Pampanga rally nina Leni, Kiko

FACT CHECK: Di peke ang dami ng tao sa litrato ng Pampanga rally nina Leni, Kiko

ABS-CBN Investigative and Research Group

 | 

Updated May 05, 2022 01:40 PM PHT

Clipboard

FACT CHECK: Di peke ang dami ng tao sa litrato ng Pampanga rally nina Leni, Kiko

Hindi pineke ang isang litrato ng campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa Pampanga noong Abril 9 upang magmukha umanong mas marami ang dumalo rito.

Taliwas ito sa alegasyon ng isang video ni “Palerista PROJ.” sa Facebook na nilagyan ng caption na “BUKINGAN SA PAMPANGA.”

“Makikita talaga na parang napakaraming tao. Malaki kasi ang arrow (stage) at maliliit ang mga tao. Halatang in-edit,” paratang ni Palerist PROJ.

Ipinakita rin niya sa video ang aniya’y mga totoong litrato kung saan makikitang kakaunti lamang umano ang mga taong dumalo.

ADVERTISEMENT

“Dito sa isang larawan, ang arrow (stage) ay maliit lamang at ‘yung tao ay medyo malaki, na hindi kasing liit, gaya ng isang larawan,” dagdag niya.

Ngunit sa livestream ng “MANALAKÁRAN: Pampanga People’s Rally,” makikita ang ilang drone videos na nagpapakita ng mga anggulo ng rally na kapareho ng mga umano’y pinekeng litrato. Makikita ito sa time stamp na 1:45:13.

Watch more News on iWantTFC

FACT CHECK: Di peke ang dami ng tao sa litrato ng Pampanga rally nina Leni, Kiko

Ang 2 litrato na kapwa kuha ni Jimmy Dasal ng Team Kiko ay parehong naka-upload sa verified Facebook page ni Pangilinan. Makikita sa caption ng mga litrato ang oras ng pag-post nito.

Ang litratong tinutukoy ni Palerista PROJ kung saan makikitang mas marami ang mga tao sa rally ay ipinost ng alas-6 ng gabi. Samantala, bandang 1:20 pa ng hapon naka-post ang litrato kung saan mas kaunti pa ang mga nasa rally.

FACT CHECK: Di peke ang dami ng tao sa litrato ng Pampanga rally nina Leni, Kiko

Ilang reporters din mula sa iba’t-ibang news outlets ang gumamit ng mga litratong ito sa kanilang coverage ng naturang campaign rally.


Una nang sinabi ng organizers na nasa 220,000 ang dumalo sa Pampanga rally, habang sa pagtataya naman ng pulisya ay nasa 180,000 ang dami ng tao.

Umani naman ng mahigit 1.9 million views, 104,000 reactions at 27,000 comments ang video ni “Palerista PROJ.”

— With research from Mildred Mira, ABS-CBN Investigative and Research Group

ABS-CBN News is a part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.