FACT CHECK: Walang sinabi si Duterte na sasabak sa giyera ang Pilipinas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Walang sinabi si Duterte na sasabak sa giyera ang Pilipinas

FACT CHECK: Walang sinabi si Duterte na sasabak sa giyera ang Pilipinas

ABS-CBN INVESTIGATIVE & RESEARCH GROUP

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/news/03/07/20220307-fact-check-prrd.jpg

Walang sinabi si Pangulong Rodrigo Duterte na sasabak sa giyera ang Pilipinas kaugnay ng krisis sa pagitan ng Russia at Ukraine, taliwas sa sinasabi ng YouTube channel na “MJ Journals.”

Ginamit ng nasabing YouTube channel ang orihinal na news report ng UNTV na ipinalabas noong Marso 1, mula sa “Talk to the People” address ni Duterte. Dito inanunsiyo ng Pangulo na magpapatawag siya ng special meeting ng gabinete para mapaghandaan ng bansa ang posibleng epekto ng nasabing krisis, lalo na sa ekonomiya.

Pero pinatungan ng “MJ Journals” ang orihinal na video ng report ng iba’t ibang larawan ni Duterte, at nilagyan ito ng mapanlinlang at “clickbait” na titulo at teksto.

Noong Marso 6, in-upload ng “MJ Journals” ang dinoktor na video na nilapatan rin ng titulong “BADNEWS! PILIPINAS, SASABAK SA GIYERA KONTRA RUSSIA!! PRES. DUTERTE ANNOUNCEMENT!”

ADVERTISEMENT

Maliban sa video na ito, dalawang beses pang nag-post ang “MJ Journals” ng nasabing video na pawang nilapatan rin ng iba pang mapanlinlang na titulo at teksto.

Ito ay ang mga sumusunod:

“ANNOUNCEMENT: PRES. DUTERTE, PINAGHAHANDAAN NA ANG GIYERA SA RUSSIA-UKRAINE!”

“ANNOUNCEMENT! PRES. DUTERTE, NAGHAHANDA NA PARA SA POSIBLENG GIYERA!”

Kung papanoorin ang orihinal na video mula sa YouTube Channel ng UNTV News and Rescue, walang sinabi si Duterte na sasabak sa giyera ang Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Sa halip, sinabi pa nga ng Malacañang na walang mabuting maidudulot ang giyera.

"We reiterate the position of the Philippines that war benefits no one, and that it exacts a tragic, bloody toll on the lives of innocent men, women, and children in the areas of conflict," sabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na siyang acting spokesman ni Duterte.

Noong Biyernes, sinabi rin ni Duterte na mananatiling neutral sa ngayon ang bansa, bagaman maaaring darating ang panahon na kikiling ito sa isang panig. Pebrero 24 nang lusubin ng Russia ang Urkaine, na inalmahan ng karamihan ng mga bansang kasapi ng United Nations, kabilang ang Pilipinas.

"Ako naman, we stay neutral but reality tells me that in the end, we'll just have to select which side we would be. Of course I know that the sentiment prevailing almost throughout the country," ani Duterte sa isang talumpati sa Narvacan, Ilocos Sur.

Hindi kaila sa publiko ang paghanga ni Duterte kay Russian President Vladimir Putin, na makailang beses na niyang nakasama sa pagpupulong.

ADVERTISEMENT

Hindi ito ang unang pagkakataon na dinoktor ng YouTube Channel na “MJ Journals” ang mga orihinal na video ng news reports at nilagyan ang mga ito ng “clickbait” o mapanlinlang na titulo at teksto.

Dalawang beses na ring na-fact check ng ABS-CBN ang nasabing YouTube channel.

Sa ngayon, mayroong 233,000 subscribers ang YouTube channel na ito.

- with research from Ann Charrize Calusa, ABS-CBN Investigative and Research Group


ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.