FACT CHECK: Para sa mga kubeta, hindi sa kampanya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nation

FACT CHECK: Para sa mga kubeta, hindi sa kampanya

FACT CHECK: Para sa mga kubeta, hindi sa kampanya

ABS-CBN Investigative & Research Group

 | 

Updated Dec 13, 2024 09:56 PM PHT

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/news/02/28/20220228-fact-check.jpg

Isko got P15M from Gates Foundation for toilets, NOT US$15M from Bill Gates for campaign

Para sa mga portable toilets at hindi sa kampanya ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang donasyon na nakuha ng lokal na pamahalaan ng Maynila mula sa Bill & Melinda Gates Foundation, taliwas sa sinabi ni Presidential candidate Dr. Jose Montemayor Jr. sa CNN Philippines’ “The Filipino Votes Presidential Debate” noong Pebrero 27.

Hindi rin 15 million dollars ang donasyon na natanggap tulad ng sinabi ni Montemayor kundi US$319,147 o humigit-kumulang 15 milyong piso lamang.

Ibinato ni Montemayor ang katanungang ito sa kapwa kumakandidato sa pagkapangulo na si Moreno sa CNN presidential debate: “Paano naman po yung 15 million dollars na binigay ni Bill Gates, isosoli ninyo po ba iyon? 15 million dollars that were donated to Mayor Isko as I read in the papers,” tanong ni Montemayor na pinabulaanan naman ni Moreno.

Enero 23, 2020 nang pumirma ng Memorandum of Agreement ang City of Manila, DENR, MWSS at Maynilad para sa “Project Kubeta Ko.” Layunin nito na magkaroon ng portable toilet ang mga informal settlers at mga nakatira sa Parola Compound sa Tondo, Maynila.

ADVERTISEMENT

Makikita rin sa website ng Bill & Melinda Gates Foundation ang impormasyon tungkol sa nasabing donasyon.

Noong Enero 24, 2020, sa kanyang Facebook live na “The Capital Report,” pinasalamatan pa ni Moreno si Bill Gates para sa donasyon na aniya’y nagkakahalaga ng “15 million.”


Noong Disyembre ng taon ding iyon ay iniulat na nakapag-turnover na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng 50 portable toilet sa Parola Compound sa Tondo.

Noong 2019, umabot sa 3.5 milyong Pilipino ang walang sariling palikuran ayon sa Department of Health.

Matatandaang nagkaroon ng cleanup drive sa Maynila matapos mag-inspeksyon si Moreno at madatnang madumi ang Liwasang Bonifacio.

"Hindi na siya mapanghi, hindi na siya t*e-t*e island, pinakamalaking kubeta sa Maynila. Kawawang Andres Bonifacio, kung hindi illegal terminal dun sa post office ang nasa harapan niya, kubeta ang nasa likuran niya," ayon kay Moreno. – with research from Ann Charrize Calusa, ABS-CBN Investigative and Research Group

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.