PatrolPH

Banyo sa Bonifacio: Isko nakaapak ng t*e malapit sa city hall; station commander sinibak

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2019 01:10 PM | Updated as of Jul 10 2019 07:28 PM

Watch more on iWantTFC

Muling umarangkada sa pag-iinspeksyon si Manila Mayor Isko Moreno sa ilang parte ng lungsod partikular na sa mga lugar na malapit sa City Hall sa Lawton, Maynila. 

Sa pag-inspeksyon ng alkalde sa Liwasang Bonifacio, ilang metro lang ang layo sa City Hall, nadatnan ng alkalde na marumi at mabaho ang parke.

Watch more on iWantTFC

Nakaapak pa umano si Moreno ng dumi o feces malapit sa monumento ni Bonifacio. 

Ayon kay Moreno, mistulang ginawang malaking banyo ng mga informal settlers o ng mga palaboy sa lungsod ang Liwasan.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ng alkalde ang paglilinis dito at sa iba pang mga pasyalan at monumento sa Maynila na dapat anya ay pasyalan ng mga turista at hindi para gawing palikuran.

Ininspeksyon din ng alkalde ang Lawton area kung saan matatagpuan ang Liwasang Bonifacio at ang isang Police Community Precinct (PCP).

Dahil sa maruming paligid ng PCP, agad na inirekomenda ni Isko kay Manila Police District chief Chief Vicente Danao Jr., na sibakin na sa puwesto ang station commander ng Lawton na si Lt. Rowel Robles. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.