FACT CHECK: Bukod kay Mayor Isko Moreno, may iba pang kandidatong nagdeklara at nagbayad ng buwis para sa sumobrang campaign donations | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Bukod kay Mayor Isko Moreno, may iba pang kandidatong nagdeklara at nagbayad ng buwis para sa sumobrang campaign donations

ABS-CBN INVESTIGATIVE & RESEARCH GROUP
Published Feb 09, 2022 10:45 PM PHT
|
Updated Feb 09, 2022 10:46 PM PHT

Ilang kandidato na rin ang tumakbo noong mga nagdaang eleksyon ang nagdeklara ng kanilang sobrang campaign donations at nagbayad ng buwis para dito.

Kaugnay ito sa pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno noong Biyernes sa “Panata sa Bayan, The KBP Presidential Candidates Forum” na maaaring siya pa lamang ang unang kandidatong nagdeklara at nagbayad ng buwis para sa sumobrang campaign donations, o iyong mga donasyong tinanggap ng isang kandidato, pero hindi naman nagamit para sa kampanya.

“Importante na ang isang kandidato o sino mang tao, tapat sa kanyang bayan, may nakatingin o wala. In fact, baka unique nga siguro sa paningin ninyo dahil wala pa yatang kandidato na nagpubliko na nagdeklara ng kanyang sobra at nagbayad ng buwis,” sagot ni Moreno patungkol sa deklarasyon niya ng kanyang sobrang campaign donations.

Bago pa man ang KBP Presidential Forum, nauna nang idineklara ni Moreno ang P50.8 million na excess campaign funds noong tumakbo siya bilang senador noong 2016, ayon sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) na nakuha ng ABS-CBN Investigative & Research Group mula sa Comelec.

Ayon sa Omnibus Election Code, lahat ng kandidato at mga partido, manalo man o matalo, ay kinakailangang magsumite ng SOCE sa Comelec sa loob ng 30 araw pagkaraan ng eleksyon.

Ayon pa kay Moreno, nagdeklara at nagbayad siya ng buwis para sa mga sobrang donasyon na ito. Sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) noong Dec. 7, 2016, sinabing nagbayad si Moreno ng P9.7 million na buwis sa Bureau of Internal Revenue.

Bukod kay Moreno, may iba pang kandidato na nauna nang naiulat na nagbayad ng tax para sa kanilang excess campaign donations.

Iniulat ng PCIJ noong Nov. 14, 2013 na nagdeklara na rin si dating Senador Bam Aquino ng sobrang campaign donations at nagbayad ng buwis para dito matapos ang 2013 mid-term elections.

“On July 2, 2013, Sen. Aquino through his authorized representative paid the amount of P337,803.90 as income tax for the excess contributions received in the 2013 campaign,” pahayag sa PCIJ ng abogado ni Aquino na si Lorraine Castañeda.

Kabilang naman sa mga nagdeklara ng sobrang campaign funds noong 2013 sina Senator Nancy Binay, Senator Grace Poe, dating Senator Chiz Escudero at dating Senator Juan Ponce Enrile base sa kanilang Statements of Contribution and Expenditures (SOCE).

Noon namang 2016 National and Local Elections, maliban kay Moreno, isa rin si Vice President Leni Robredo sa nagdeklara ng sobrang pondo. Nakatanggap siya ng P423,163,737.34 na kontribusyon. Pero base sa kanyang SOCE, P418 million lamang ang kanyang nagastos.

Ayon sa COMELEC, walang regulasyon kung paano gagamitin ng isang kandidato ang sumobrang mga donasyon.

"Unspent campaign donations: there are no rules requiring its disposition in any specific way... The only rule, that there is, can actually be found in revenue regulations issued by the BIR, which state very clearly that unspent campaign funds shall be treated as income and shall be subject to the payment of appropriate income tax,” ayon kay Comelec spokesman James Jimenez. – research by Ann Charrize Calusa, ABS-CBN Investigative & Research Group

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.
Read More:
KBP Presidential Forum
Isko Moreno
SOCE
Halalan 2022
2022
election
elections
fact check
fact checking
ABS-CBN Investigative and Research Group
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT